Sunday, November 29, 2009

LOL computer scientist

Computability Theory


Kami ang nagsimula ng “Theoretical Computer Science”. Kami ang pinakamataas na uri ng tao sa earth. Ang pinag-aaralan namin ay hindi nag-eexist sa real world. Grasp namin ang higher math. Si Cantor ang aming Diyos, David Hilbert ang propeta at si Allan Turing ang aming Hesu-Kristo. Okey lang samin ang kahit anong sexual orientation at tanggap namin ang sekswalidad ng aming Hesu-Kristo. Gamit ang aming super math skills (tulad ng wtf diagonalization method) at ang teoretikal na makinang inimbento ni Turing ay kaya namin sabihin kung ang isang problema ba ay kayang isolve o hindi. Kaya nga namin malaman at ipakita ang pruweba kung nabibilang ba ang isang type ng number o hindi. Sa ngayon ay naklasipika na namin ang mga problema at convinced na kami na may mga bagay talaga sa mundo na hindi kaya isolve ng isang tao o makina. Hindi namin kailangan ng computer para magtrabaho. Ang kelangan lang namin ay utak, papel, lapis, at motor skills sa kamay para makapagsulat.


Complexity Theory


Nagsimula ito noong nabasa namin ang resulta ng pag-aaral ng mga tao sa relihiyong “Computability Theory” at pinagtuunan namin ang mga problemang solvable lamang. Wala kaming pakialam sa mga problemang di kaya isolve duh ano gagawin namin dun. Ang tanging layunin namin ay iklasipika ang mga solvable problems sa mundo at ito ay magdedepende kung gaano katagal at kung gaano kalaking espasyo ang kinakain para masolve ang naturang problema. Minulat kami ng aming sugo na si Steven Cook. Nalaman namin na may mga problemang kaya isolve in a blink of the eye at meron ding problemang kahit pagsama samahin pa ang mga pinakamabilis na kompyuter sa earth ay bilyong taon pa rin ang gugugulin nito para matapos ang kompyutasyon. Naklasipika rin namin ang 2 type ng problem kung saan ang una, mga problemang derederetso na ang pagsolve, at yung pangalawa, kelangan mo muna “manghula ng sagot” sa simula tapos i-verify na lang ito kung tama nga to o mali. Actually nasa ere lang talaga ang term na “non-determinism”. Anu ba talaga yan? Duh. Sa ngayon ay nahati sa 2 grupo (parang Couples for Christ) ang relihiyong ito dahil sa PvsNP (or P=NP. Google nyo nalang at try niyo isolve baka mabigyan pa kayo ng $1 million) debate.


Hindi rin namin kailangan ng computer para magtrabaho.


Artificial Intelligence


Nabrand na ang aming relihiyon as “Artificial Intelligence” pero isang application or part lang naman yan ng aming pinag-aaralan. Dahil siguro sa media exposure kaya tinawag kaming Artificial Intelligence, maganda sa pandinig e, mukang sobrang cool. Tinatry namin isolve ang pinakamahihirap ng problema sa earth (NP-complete/NP-hard). Pero dahil sobrang mahirap sila, nakakakuha lang kami ng solutions using “intelligent guesses”. Nakakabuo kami ng algorithms sa iba't ibang paraan. Minsan sa certain type of problems ginagaya namin ang utak ng tao para masolve ng problema. Pinagaaralan namin ang galaw ng mga langgam (ant colony), ang galaw ng mga ibon (particle swarm), simulated annealing, etc. para makakuha ng optimal na solution sa solution space(pool of solutions). Gamit na gamit ang “heuristics”. Ang galing diba?! Ang pinakasikat ngayon ay nakakakuha kami ng solusyon sa problema through bird signs! Deh joke. At marami pang iba (Logic, reasoning, etc). Nakakagulat nga mga resulta ng research namin pati nga kami nagugulat. Ang problema namin ngayon ay ang mga problemang sinosolve namin ay napaka general kaya bibihira pa lang ang application (compared sa exact solutions). Pero malay natin baka magamit ng mga tao sa susunod na henerasyon yang mga pinag-gagagawa namin si Euclid nga 100 years after niya mamatay tsaka pa lang na-apply ng mga tao mga works nya duh.


Algorithms


Perpeksyonista kaming mga nasa Algorithms. Kami ang gumagawa ng pinaka-eleganteng paraan para masolve ang isang problema. Malinis, Walang dudang tama, at efficient ang aming inooffer na solusyon. Walang hula hula, di tulad ng AI. Martyr kami, naglolook forward kami na may exact solutions ang lahat ng bagay. Maraming teorya ang mga tao dito ukol sa pagooptimize ng solutions. Ung iba sabi Randomization ang sagot sa lahat. Isang success story ng Randomization ay yung quicksort. Ung iba probabilities/stat stuff. Ung iba parallel processing. Yung mga nawawalan na ng pag-asa para makakuha ng eleganteng solusyon ay lumilipat sa dark side, which is AI.


Computer Systems


Software Engineering


Computational Science


Cellular Automata People (Minority)


Kami ay mga taong wala nang magawa sa buhay dahil lahat ng bagay sa mundo ay sobrang simple para sa samin. Kaya gumawa nalang kami ng bagong modelo ng komputasyon. Ito ay nagcoconsist ng cells and states. Meron siyang initial config at depende na sa rules kung ano magyayari sa future. Ang pinakasikat na example nito ay yung “Game of Life”. Iprogram niyo para maintindihan nyo. Kaunti lang kami ngunit mayron kaming Wolfram na sobrang henyo at siya ang nagsusulong ng aming quest for Jihad.


Quantum Computation People (Minority)


Matalino kami dahil gamay namin ang modern Physics tapos magaling rin kami sa computers at computation. Ginagamit namin ang quantum shit stuff para mapabilis ng sobra sobra sobra ang kompyutasyon ng ilang problema (eg. RSA decryption in a blink of an eye). Pero actually medyo hindi pa stable ang mga inaaral namin kasi mismong depinisyon ng “computation” sa quantum shit e malabo pa. Inaasahan nalang namin ang mga kulto ni Einstein para mapabilis ang aming research.

No comments: